Proud Cauayeño, Wagi ng Gintong Medalya sa International Martial Arts

260

*Cauayan City, Isabela*-Wagi ng Gintong Medalya ang isang Proud Cauayeño sa katatapos na Mombasa Open Tong-il Moo Do International Martial Arts Championship na idinaos sa bansang Africa kamakailan.

Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan mula kay Marjhude Delos Santos, lubos itong nagpapasalamat sa lahat ng taong naniwala sa kanyang talento para maipanalo ang nasabing kompetisyon.


Ipinamalas ni Delos Santos, 21 anyos na tubong Minante Dos sa Cauayan City ang kanyang galing sa larangan ng Martial Arts matapos talunin ang mga bansang Kenya, Congo, Ethiopia, Thailand, Japan, Korea, Ivory Coast at Nigeria para sa Individual Category ng nasabing laro.

Si Delos Santos ay kasalukuyang nag aaral sa kursong Education sa International Peace Leadership College sa Lungsod ng Antipolo, Rizal.

Hinikayat naman nito ang mga kabataan na ipagmalaki ang talento hindi upang magyabang bagkus magbigay ng karangalan sa sarili at sa bansa.




Facebook Comments