PROUD | Kris Bernal, aminadong kuripot kaya nakapundar ng negosyo at bahay

83

Aminado at ipinagmamalaki ng aktres na si Kris Bernal ang pagiging kuripot at matipid niya sa lahat bagay.

Dahil dito, nakapundar siya ng mga negosyong gusto niya at nakabili pa ng lupa’t bahay sa Amerika.

Ibinahagi pa ni Kris na karamihan sa mga ginagawa niya sa trabaho man o sa bahay ay siya na mismo ang bahala kaya at hindi na siya kumukuha pa ng alalay o kaya ng katulong.

Marami din ang natatanong sa aktres kung mayroon daw ba siyang benefactor kaya nagawang makabili ng property sa Amerika pero say ni Kris, talagang pinag-ipunan daw niya ito at bunga daw ito ng kaniyang pagiging kuripot.

Ilan din sa mga kinikita ni Kris ay naka-time deposit kaya at 100 percent sure siya na magiging maayos ang kaniyang kinabukasan o kaya ng kaniyang sariling magiging pamilya.

Facebook Comments