Manila, Philippines – Ipinagmalaki ni Labor Secretary Silvestre Bello III na malaki na ang naiambag ng build build build sa pagtaas ng bilang ng mga nabuksang trabaho para sa mga Pilipino.
Sinabi ni Secretary Bello sa economic briefing sa Malacañang, umabot sa 468,000 ang trabahong nabuo base sa labor force survey na ginawa ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong buwan ng Abril.
Noong aniyang Abril ay umabot na sa mahigit 4 million ang nabuong trabaho sa construction sector mula sa mahigit 3.5 noong kaparehong panahon noong nakaraang taon kung saan nakapagtala ng 13.2 increase.
Ibinida ni Secretary Bello na ang pinakamalaking dahilan ng pagdami ng nabubuksang trabaho ay ang Build Build Build Projects ng Pamahalaan na ayon kay Public Works Secretary Mark Villar ay nagpapatuloy pagbilis o paglago.
Sinabi naman ni Transportation Secretary Arthur Tugade na dahil sa pagtutok ng pamahalaan sa infrastructure ay inaasahan din na aabot sa humigit kumulang 1 milyong direct at indirect jobs ang mabubuksan kada taon.
Ibinida din naman ni Tugade na sa on track ang pamahalaan sa marami at malalaking infrastructure projects.