“Prove your allegations” – Panelo to Advincula

278

Sinabi ng Palasyo na dapat patunayan ng nagpakilalang ‘Bikoy’ na si Peter Joemel Advincula ang mga salitang binitiwan niya laban sa Liberal Party na di umano’y nasa likod ng “Ang Totoong Narcolist”.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kailangan magpakita ng totoong ebidensiya si Advincula. Nilinaw din niya na hindi pa masasabing credible ang lumutang ‘Bikoy.’

“Let him prove his allegations. Prove to us that there were meetings, prove to us that there were those communications. He better substantiate.”


Nararapat lang na dumaan si Advincula sa due process.

“For one, he has to submit a sworn statement. So we’d rather have the PNP do its job.”, ani Panelo.

Sumuko sa pulisya kahapon si Advincula at pinaratangan mastermind si Senador Antonio Trillanes IV at kasamang tumulong ang Liberal Party.



Mariing pinabulaanan nina Trillanes at ng Liberal Party ang mga binabatong akusasyon.

Facebook Comments