Province of Pangasinan handang magsampa ng kaso sa mapapatunayang may sala sa pagkalat ng ASF sa Bayambang Pangasinan

Handa umanong magsampa ng kaso ang probinsiya ng Pangasinan sa mapapatunayang may sala sa pagkalat ng African swine flu sa bayan ng Bayambang Pangasinan ayon sa Province Legal Office.

Ayon kay Geraldine Baniqued , Provincial Legal Officer, iniimbestigahan na nila ang piggery ng baboy sa Brgy. Apalen kung saan unang nagpositibo ang mga baboy sa ASF.
Ayon kasi sa tagapamahala ng naturang piggery na hindi pinangangalanan, locally raised ang kaniyang mga baboy ngunit mayroon itong kapitbahay na biyahero ng baboy na maaring dito nakuha ang virus.

Sinabi ni Baniqued na nasampahan na nila ng crimal cases si Roger Erpello na siyang dahilan ng pagkakapuslit ng mga baboy na apektado ng ASF sa bayan ng Mapandan Pangasinan.


###

Facebook Comments