PROVINCE WIDE JOB-FAIR ILULUNSAD NG PESO-ISABELA

CAUAYAN CITY- Nakatakdang maglunsad ang Public Employment Service Office (PESO) -Isabela ng malawakang job fair para sa mga Isabeleño sa darating na Agosto 30, 2024.

Gaganapin ang nasabing job fair sa Ground Floor, Queen Isabela Park, Capitol Compound, Alibagu, City of Ilagan.

Magsisimula ito ng alas-otso ng umaga at inaasahang matatapos naman ng alas-tres ng hapon.


Pinapayuhan ang mga interesado na magdala ng kinakailangang dokumento katulad ng updated resume, photo copy ng diploma, transcript of records, at iba pa na kinakailangan sa pag-aaply.

Facebook Comments