Nakiusap ang tanggapan ng Provincial Agriculture office ng Pangasinan sa mga magsasaka ng lalawigan na huwag munang magpupunla ng palay sa ngayon at hintayin muna ang ikalawang linggo ng Hunyo para sa 1st cropping season.
Saad ni Nestor Batalla ang Assistant Agriculturist ng Agriculture office ng Pangasinan maaaring masira lamang ang mga pananim kung magtatanim sa ngayon dahil hindi pa opisyal na pumapasok ang tag-ulan kung kaya’t limitadong tubig ulan pa lamang ang matatanggap ng mga ito.
Samantala, umaasa ang kanilang tanggapan na sa oras na pumasok na ang opisyal na tag-ulan sa probinsya ay tinatayang aabot sa 180 hectares ang sakahang matataniman ng mga magsasaka sa probinsya.
Facebook Comments