Negros Oriental – Patay ang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Negros Oriental matapos pagbabarilin sa Barangay Daro, Dumaguete City.
Kalalabas lang noon ni board member Miguel Dungog sa hospital at papunta sa kaniyang sasakyan matapos ipa-check up ang anak nang lapitan ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo saka pagbabarilin ito.
Si Dungog ay presidente ng Philippine Councilors League Negros Oriental Chapter at umuupong ex-officio member ng provincial board.
Tumatakbo rin siyang board member ng Third District ng Negros Oriental ngayong 2019 midterm elections.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan kaugnay sa motibo ng krimen.
Facebook Comments