Provincial bus, balik-operasyon na – Malakanyang

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force ang pagbabalik operasyon ng mga bus na may biyahe sa iba’t ibang probinsya.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tanging point-to-point lamang ang ruta ng nga bus na inaprubahan ng Local Government Units (LGUs) at Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) kasabay ng gagawing pagpapaluwag pa sa ekonomiya ng bansa.

Inaprubahan din ng IATF ang mga stop-over o mga lugar na hihintuan pansamantala ng mga bus para makapagpahinga ng ilang minuto ang mga driver, konduktor at mga pasahero.


Paalala ni Roque, kailangan lamang hintayin ang ilalabas na guidelines ng Department of Transportation (DOTr) at LTFRB hinggil dito.

Facebook Comments