Posibleng ipatupad na sa August 1 ang provincial bus ban sa EDSA.
Sa Memorandum circular ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), nakasaad ang Route Amendment of Certificate of Public Convenience sa lahat ng provincial buses na magmumula sa north at south na may terminal sa kahabaan ng EDSA.
Ayon kay MMDA EDSA Traffic Chief Bong Nebrija – kung dati ay bawal magbaba ang mga provincial bus ng pasahero sa EDSA, ngayon ay bawal na sila dumaan sa EDSA.
Dagdag pa ni Nebrija – ang Metro Manila Council (MMC) ang nagsulong nito para makatulong na maibsan ang trapiko sa EDSA.
Tiniyak din niya sa mga mananakay na magkakaroon ng mga alternate terminal.
Pag-uusapan pa ng MMDA kung anong oras ang ibibigay na window time para makapasok ang mga provincial bus sa EDSA.
Gayumpaman, hihintayin nila ang paglabas ng resulta ng mga petisyon laban sa kanila.