Provincial bus, bumangga sa road separator sa bahagi ng Tramo Flyover

Bumangga ang isang provincial bus na biyaheng Bolinao, Pangasinan patungong Metro Manila sa road separator sa bahagi ng Tramo Flyover.

Batay sa inisyal na impormasyon mula sa mga first responder ng MMDA, umabot sa walong concrete barriers ang tinamaan at nabangga ng isang Five Star bus.

Ayon sa driver, ginigitgit umano siya ng isang kotse at motorsiklo kaya hindi na niya agad nakabig ang manibela.

Dagdag pa ng driver, madilim umano ang lugar kaya hindi niya agad napansin ang road separator.

Dahil sa insidente, nakararanas ng mabigat na daloy ng trapiko sa lugar, partikular sa bahagi ng Tramo Flyover.

Facebook Comments