Provincial buses, bawal nang dumaan sa EDSA sa Abril

Simula sa Abril, tuluyan ng ipagbabawal ang provincial buses sa EDSA.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, layon nitong mapaluwag ang trapiko sa kahabaan ng naturang major thoroughfare.

Aniya, simula sa Abril ang mga pasahero na galing sa norte ay kailangan nang bumaba sa Valenzuela Integrated Bus Terminal.


Sa Valenzuela ay sasakay naman sila ng mga bus na patungo sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

Habang ang mga manggagaling naman sa timog na bahagi ay bababa sa integrated terminal sa Sta. Rosa Laguna kung saan sila ay lilipat sa mga city buses.

Sabi pa ni Garcia, unti-unti nang isasara ang 46 provincial bus terminals sa kahabaan ng EDSA.

Maliban rito, babakuran na rin ang EDSA maliban na lang sa mga itatalagang loading at unloading area.

Facebook Comments