Provincial buses, hindi pa rin puwede sa Metro Manila

295

Hindi pa rin maaaring magbalik operasyon sa Metro Manila sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ang mga provincial buse hanggang sa katapusan ng buwan.

Matatandaang sinabi ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya na nakatakdang talakayin kung papayagan o hindi ang mga provincial buses sa Metro Manila.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ipinagbabawal pa rin ang provincial buses at wala pang ibinababang desisyon hinggil dito.

Bukod dito, bawal din ang pagsasagawa ng sabong sa mga lugar na nasa GCQ at Modified GCQ areas.

Ang limitasyon ng transportasyon at pagbabawal sa amusement at gaming activities ay hakbang ng pamahalaan para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments