Simula sa Miyerkules, September 30, 2020, nakakabiyahe na ang mga provincial buses na may mga nakatakdang ruta sa Metro Manila.
Ito ay matapos na kumpirmahin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pagpayag na makabiyahe ang mga provincial buses.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, ilalabas ang Memorandum Circular sa mga ruta ng mga provincial bus ngayong weekend.
Magpapatawag din ang LTFRB ng pagpupulong sa mga kompanya ng bus sa Lunes, Sept. 28, 2020 upang maplantsa ang mga ipatutupad na protocol sa gitna ng General Community Quarantine.
Una nang inihayag ni LTFRB-National Capital Region Director Atty. Zona Russet Tamayo na nasa 50-percent capacity ng provincial buses ang papayagang makabiyahe, batay na rin sa protocol ng national government.