Provincial buses, pwedeng dumaan sa EDSA at C5 hanggang January 2

Pinayagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na dumaan sa EDSA at C-5 ang mga provincial bus simula kagabi.

Ito ay upang mapabilis ang biyahe ng mga bus sa gitna ng dagsa ng mga biyahero ngayong holiday season.

Sabi ni MMDA Traffic Discipline Officer Atty. Vic Nuñez, pwedeng pumasok sa EDSA at C-5 hanggang Cubao ang mga provincial bus galing norte at hanggang PITX naman ang mga galing south.


Pero bawal silang dumaan sa bus carousel.

Papayagan sila sa EDSA at C-5 hanggang madaling araw ng Enero 2.

Samantala, suspendido na ang number coding scheme sa December 25, 26 at January 1.

Facebook Comments