PROVINCIAL CAPITOL NG ILOCOS NORTE, BINULABOG NG BOMB THREAT

Nagkumahog paalis ang mga empleyado ng kapitolyo ng Ilocos Norte matapos makatanggap ng bomb threat kahapon.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, unang nakatanggap ng tawag ang opisina ng Provincial Administrator ukol sa naturang bomba sa loob ng kapitolyo dahilan upang agarang ipatawag ang mga awtoridad.

Agad rumesponde ang Explosive Ordnance Disposal ng SWAT, PNP at BFP upang magsagawa ng search operation sa bisinidad ng kapitolyo ngunit lumalabas na negatibo at walang bomba sa lugar.

Matatandaan na huling nakatanggap ng bomb threat ang isang state university sa lalawigan noong Nobyembre ng nakaraang taon na nagdulot ng takot sa libo-libong ngunit negatibo rin ang naging resulta ng bomb search. Kaugnay nito, muling nagpaalala ang Ilocos Norte Police Provincial Office sa posibleng parusang sa mga mahuhuling pasimuno ng bomb joke na nakasaad sa batas. Inaalam na ng pulisya kung sino ang nasa likod ng pananakot sa kapitolyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments