Provincial director ng Albay Provincial Police Office, sinibak

Sinibak na ang Provincial Director ng Albay Provincial Police Office na si Senior Superintendent Milo Pagtalunan.

Ito ang kinumpirma ni Police Regional Office 5 o Bicol PNP Director Chief Superintendent Arnel Escobal matapos ang pamamaslang kay AKO Bicol Representative Rodel Batocabe noong Sabado.

Ayon kay Escobal, pansamantalang palit kay Pagtalunan ang Deputy nito na si Superintendent Dennis Rellata.


Samantala, sinabi rin ni Escobal na may anim na persons of interest silang tinututukan na posibleng nasa likod ng nangyaring pagpatay kay Batocabe.

Nakuha na rin nila ang kopya ng CCTV ng Rosewood Inn malapit sa Barangay Bañag dahil doon sinasabing nakita ang mga salarin.

Dagdag pa ni Escobal na nakakuha na rin sila ng salaysay mula sa anim na nasugatan sa insidente para makakalap pa ng iba pang impormasyon kaugnay sa pamamaslang sa kongresista at police aide nito na si SPO1 Orlando Diaz.

Facebook Comments