Sinibak ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Oscar Albayalde ang Provincial Director ng Negros Police Provincial Office at tatlong chief of Police sa Negros matapos ang pagkamatay ng 14 na magsasaka sa Negros Oriental noong Sabado.
Ito ang kinumpirma ni PNP Spokesperson Police Col Bernard Banac.
Ang mga sinibak ay sina Police Col Raul Tacaca ang Provincial Director ng Negros Police Provincial Office,
- Police Lt Col Patricio Degay Chief of Police ng Canlaon City Police Station ng Negros Oriental Police Provincial Office.
- P Lt Kevin Roy Mamaradlo, Chief of Police ng Manjuyod Municipal Police Station ng Negros Oriental Police Provincial Office.
- P Captain Michael Rubia ang Chief of Police ng Sta Catalina Municipal Police Station ng Negros Oriental Police Provincial Office.
Una nang sinabi ng PNP na may warrant of arrest ang mga nasawing magsasaka dahil sa kasong possesion of firearmas pero nanlaban umano ang mga ito nang ikasa ang operasyon kaya napatay.
Magsasagawa na rin ng sariling imbestigasyon ang PNP Internal Affairs Service sa pangyayari.
Facebook Comments