South Cotabato – Boluntaryo na sumuko sa Provincial Police Office ng South Cotabato si Technical Education Skills Development Authority o TESDA Provincial Director Talib Bayabao, matapos umano masama ang kanyang pangalan sa arrest order no. 2 ng Department of National Defense na may kaugnayan siya sa Maute Group.
Ayon kay Bayabao, ikinagulat niya na kasama siya sa 186 na mga indibidwal na pinaaaresto ng DND kaya`t nagdesisyon ito sa payo naman ng kanyang abogado na lumabas upang linisin ang pangalan na wala siyang kaugnayan sa Maute Group na umaatake sa Marawi City.
Sinabi pa ni Bayabao na dating city engineer siya ng Marawi sa loob ng 14 na taon sa administrasyon ni dating Mayor Fajad Salic at dati ding Mayor Omar Solitario na pinagdudahan din niya kung bakit iniuugnay sya sa Maute group.
Nakapagtrabaho din ito sa isang bangko at Mindanao State University sa Marawi City.
Sa ngayon ayon naman kay Police Senior Superintendent Franklin Alvero Police Provincial Director ng South Cotabato PPO, mananatili muna sa kanilang kustodiya si Bayabao.habang iniimbistigahan ang kaso nito.