Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, nilinaw na 33 lamang mula sa dating 34 na katao ang nasawi sa Carranglan, Nueva Ecija bus accident

Manila, Philippines – Nilinaw ngayon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na 33 lang mula sa dating 34 ang bilang ng mga nasawi sa bus accident sa Carrangalan, Nueva Ecija.

Ayon sa PDRRMO, may isang casualty kasi ang dalawang beses na nailagay ang pangalan sa death toll.

Samantala, naibigay na sa 30 pamilya ng mga nasawing biktima ang tig-P200,000 cash assistance habang tatlong iba pa ang kasalukuyang pinoproseso.
DZXL558


Facebook Comments