Nakahanda umano ang pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan katuwang ang Provincial Employment Services Office o PESO Pangasinan na aalalay sa mga kababayan Pangasinense na maaaring mapabilang sa uuwi o ma-repatriate mula sa Afghanistan matapos na umupo ang Taliban sa naturang bansa.
Ayon kay PESO Pangasinan Chief Alex Ferrer na kabilang sa pwedeng ipagkaloob ng Provincial Government ay katulad na lamang ng transportation assistance, job placement at maging ng livelihood assistance bilang kanilang magiging panimula.
Sa ngayon ay patuloy sila sa pakikipag ugnayan sa OWWA, DFA at sa Philippine Services Employment Office Administration upang malaman kung may mga Pangasinense ang nasa bansang Afghanistan.
Facebook Comments