Provincial government, magbibigay ng 100,000 piso na ayuda para sa mga biktima ng lindol sa Itbayat, Batanes

Zamboanga del Norte- Nakatakdang magbigay ng tulong pinasyal ang pamahalaang probinsyal ng Zamboanga del Norte sa pangunguna ni Zamboanga del Norte Gov. Roberto Y. Uy sa mga biktima ng lindol sa Itbayat, Batanes.

Ito’y matapos inaprobahan ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang resolusyon na inihain ni Zamboanga del Norte board member Venus Uy, Chairperson ng Committee on Finance and Appropriation, na naglalayong magbigay ng donasyon sa halagang P100,000.00 bilang financial assistance para sa mga naapektuhang residente sa lugar.

Ang naturang halaga ay nakatakda nang ibigay sa provincial government ng Batanes para matulungan mga biktima ng lindol.


Facebook Comments