PROVINCIAL GOVERNMENT NG ISABELA, MAY PAGLILINAW SA MGA MAGSASAKANG ‘DI PINALAD SA SOUTH KOREA

Cauayan City, Isabela- Nagpaliwanag ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela patungkol sa hindi pagkakasama ng 28 magsasaka sa unang batch ng Isabela Farmer-Interns na ipinadala sa South Korea sa ilalim ng Seasonal Agricultural Sector Development Exchange Program.

Nasa 92 magsasaka lamang ang pinalad sa nasabing programa matapos madisqualified ang dalawamput walong aplikante dahil ilan sa mga ito ay nabakunahan ng Sputnik na mahigpit namang hindi tinatanggap sa SoKor, napasong NBI Clearance, hindi pagpasa sa medical examination, may tattoo sa katawan at lagpas na sa age requirement na dapat ang edad ay 30 to 40 years old.

Inaasahan naman sa mga susunod na araw ang pagpapadala sa second batch ng mga Farmer Interns na kung saan sagot na ng provincial government ang gastos ng mga ito maliban sa round trip air fare.

Ito ay sa kagustuhan na rin ni Isabela Governor Rodito Albano III na lahat ng mapipili ay mabigyan ng oportunidad na makapagtrabaho sa ibang bansa at hindi na gagawing rason ang kawalan ng pera.

Hinihikayat naman ang apektado o hindi pumasa na makipag-ugnayan lamang sa tanggapan ng pamahalaang panlalawigan para sa kanilang mas maayos na paglilinaw.

Facebook Comments