Ipinatupad ng provincial government ng La Union ang rekomendasyon ng National and Economic and Authority o NEDA na four day work week sa mga kawani ng probinsiya.
Bukas ang mga opisina dito ng Lunes hanggang Huwebes, 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi na magtatagal sa ika-3 ng Hunyo.
Isa lamang ito sa tulong ng provincial government sa empleyado sa gitna ng pagtaas ng mga presyo ng petrolyo at bilihin.
Maliban dito mabibigyan din ng pagkakataon ang mga empleyado na makapag adjust sa kanilang schedules sa trabaho at tahanan.
Hindi naman kasali sa four-day work week ang mga empleyadong nasa emergency response team at iba pang naghahandog ng essential services.
Siniguro naman ng provincial government na hindi maantala ang pagbibigay ng serbisyo publiko sa naturang working arrangement. | ifmnews
Facebook Comments