Provincial Government ng Masbate, patuloy ang pagsuri sa mga gusali kasunod ng tumamang magnitude 6 na lindol; bilang ng naitalang aftershocks, umakyat na sa higit 300 – Phivolcs

Patuloy ang pagsuri ng Provincial Government ng Masbate sa mga gusali sa posibilidad ng bitak .

Kasunod ito ng tumamang magnitude 6 na lindol na tumama sa bayan ng Batuan noong Huwebes ng madaling araw.

Kaugnay nito, pinagana ng Department of Social Welfare and Development ang kanilang disaster team para sa mga biktima ng lindol kung saan namigay ito ng tulong sa mga apektadong residente.


Naibalik na rin ang suplay ng tubig sa malaking bahagi ng Masbate.

Samantala, umakyat na sa higit 300 aftershocks ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology kasunod ng naramdamang magnitude 6 na lindol sa Masbate.

Ayon sa Phivolcs, kabilang dito ang naitalang magnitude 4.8 na aftershock kahapon ng umaga.

Facebook Comments