PROVINCIAL GOVERNMENT NG PANGASINAN, NAGTALAGA NG TEMPORARY VACCINATION SITES BILANG PAGSUPORTA SA ‘BAYANIHAN BAKUNAHAN 4’

Suportado ng Provincial Government of Pangasinan ang NATIONAL COVID-19 VACCINATION DAY na muling isasagawa sa iba’t ibang itinalagang vaccination sites kung saan target na makapagbigay ng first at second dose para sa edad labing dalawa pataas at ang Booster Dose para sa 18 years old pataas.
Para sa March 10 ay itinalaga ang DPWH Sta. Barbara, Brgy. Tococ West, Bayambang at Pangasinan Provincial Jail sa Lingayen.
Sa darating na March 11 ay sa TESDA Lingayen, Coca-Cola Calasiao, CSI Lingayen, Palaris Bldg. Conference Room, Capitol Compound at Pangasinan Police Provincial Office, Lingayen
Sa March 12 naman ay Brgy. Rosario, Pozorrubio.
Kailangan lamang magdala ng Government-issued ID, birth certificate, student ID, passport, etc. Para sa edad 12-17 years old, dapat may kasamang magulang o guardian. Magdala ng medical certificate o medical clearance sa may co-morbidity. | ifmnews
Facebook Comments