PROVINCIAL GOVERNMENT NG ROMBLON, NAGSAGAWA NG BENCHMARKING ACTIVITY SA ALAMINOS CITY; ILANG MGA BEST PRACTICES AT MGA PROGRAMA, TINALAKAY

Bumisita para sa isang Benchmarking Activity ang Provincial Government ng Romblon sa lungsod ng Alaminos City at dito ay natalakay ang ilang mga usapin ukol sa Best Practices at Implementation ng mga programa at polisiya sa lungsod na may kinalaman sa ibat ibang sektor na kanilang pinagtutuunan ng pansin.
Ilan sa mga natalakay na usapin ay ang mga programa at polisiya na may kinalaman sa Solid Waste Management, Dialysis Center Operation, E-Kawayan Production, City Disaster Risk Reduction and Management at ang Tourism Development at Management ng ating Hundred Islands National Park, maging ang pagiging ISO-Certified ng naturang pamahalaang lungsod.
Kasama sa benchmarking activity at meeting ang Office of the Provincial Administrator – Province of Romblon sa pangunguna ni Provincial Administrator, Atty. Lizette Mortel pati na rin ang Engineered Sanitary Landfill, Dialysis Center, Hundred Islands E-Kawayan Factory, at CDRRMO.

Inaasahan naman ng lokal na pamahalaan ng Alaminos City ang muling pagbisita ng Provincial Government ng Romblon sa kanilang lungsod at nagpasalamat rin dahil sa pagpili ng mga ito para sa pagsasagawa ng benchmarking at island tour sa lungsod. |ifmnews
Facebook Comments