CAUAYAN CITY – Sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa probinsya ng Cagayan, nagsagawa ng pag-iikot sa iba’t-ibang bayan sa nasabing lalawigan ang Provincial Health Office (PHO).
Nakapagtala ng 171 dengue cases ang bayan ng Lasam, 98 cases sa Gattaran, 50 cases sa Tuao, at sa bayan naman ng Piat ay may walong kaso ng dengue.
Nagkaroon din ng oryentasyon sa mga nabanggit na bayan sa kung paano maaagapan ang naturang sakit gaya ng pagsasagawa ng 5s o ang Search and destroy, Self-protection, Seek early consultation, Support fogging and spraying, at Sustain hydration.
Bahagi rin ng kanilang kampanya kontra dengue ay ang palalagay ng mga insecticide sa mga lugar na karaniwang pinamumugaran ng lamok.
Facebook Comments