Provincial Highway Patrol Team, nagsimula na sa kanilang monitoring sa Anti-Distractive Driving Act of 2015

Dumagute, Philippines – Nagsimula na ngayong araw ang Provincial Highway Patrol Team sa kanilang monitoring sa mga national highways.

Ito ay bilang bahagi sa kanilang suporta sa implementasyon ng Anti-Distractive Driving Act of 2015.

Ganon din ang paghuli sa mga nagmomotor na walang helmet at iyong mga nagpapasakay ng bata o minor de edad.


Sa interview ng DYWC RMN kay Ps. Insp. Robilito Mariano, Pangulo ng PHPT, binigyan lang nila ng konsederasyon yong mga nasa bundok na nagpasakay ng mga bata dahil wala namang ibang masasakyan sa bundok maliban sa Habal-habal.

Mensahe din niya sa Publiko na mas mainam na sundin ang mga gustong ipatupad ng Gobyerno kaysa mahuli at maharap sa mga mas malalaking penalty.
DZXL558

Facebook Comments