Tinalakay ng Commission on Elections (COMELEC) Pangasinan ang mga istratehiya na ipatutupad upang makamit ang matiwasay na halalan katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno.
Sa ginanap na ikalawang Provincial Joint Security Control Center Meeting, nagtipon-tipon ang mga stakeholders na magiging katuwang ng tanggapan kabilang ang PNP, Philippine Army, Coast Guard Pangasinan, National Intelligence Coordinating Agency at PPCRV.
Napag-usapan din sa pagtitipon ang patungkol sa Fair Election Act na nakapaloob sa COMELEC Resolution No. 11086 upang lubos na maunawaan ng mga kalahok ang kabuluhan ng isasagawang halalan.
Patuloy din ang koordinasyon ng tanggapan sa iba pang ahensya sa pag-usad ng mga election-related activities tulad ng campaign period, unity walk, Signing of Peace Covenant at Candidates Forum. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨