Sa naganap na Provincial Security Summit sa n Narciso Gym Lingayen Pangasinan, idineklara ang lalawigan ng Pangasinan na insurgency free.
Ayon kay 702 Infantry Brigade Commander Col. Audrey Pasia, ang armadong grupo na KILG CARABALLO ay patuloy na binabantayan ng AFP at PNP dahil sa banta nito sa lalawigan.
Ang ilan sa mga kabilang sa grupong ito ay taga Pangasinan ngunit nasa lalawigan ng Nueva Ecija at iba pang lugar sa Luzon.
Taong 2017 pa ng may naitalang New People’s Army o NPA sa Mabini Pangasinan.
Matatandaan na may naitalang isang pilipinong suicide bomber sa Sulu, kung kaya’t hinihikayat ang mga pangasinense na maging handa ukol sa usaping seguridad sa lalawigan.
Facebook Comments