CAUAYAN CITY – Upang ihatid ang mga serbisyo at programa ng gobyerno na kinakailangan ng mga residenteng naninirahaan sa mga liblib na lugar, bumuo ng Provincial Task Force – ‘Serbisyo Karaban’ (PTF-SK) ang Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Vizcaya.
Naglalayon itong himukin ang mga partner civic organizations at National Government Agencies (NGA’s) upang makapagbigay ng tulong sa buong lalawigan ng Nueva Vizcaya lalo na sa mga kabilang sa Geographically Isolated and Depressed Areas o GIDA.
Ayon kay Provincial Warden Carmelo Andrada, Chairperson ng PTF-SK, nagsisimula na ang kanilang preperasyon para sa “Serbisyo Karaban” upang maisagawa ang aktibidad bago matapos ang buwan ng Nobyembre.
Dagdag pa nito na malaking tulong ang binuong PTF-SK sa pagpapanatili bilang Insurgency-Free province.