Provincial tourism ng Negros Oriental, nababahala ng posebleng maaapektuhan ang turismo dahil sa patuloy na gulo ng Marawi City

Negros Oriental, Philippines – Nababahala ngayon ang provincial tourism ng Negros Oriental dahil sa patuloy na kaguluhan sa Marawi City at ibang lugar sa Mindanao.

Si Ms. Myla Abellana, Provincial Tourism Officer, sa interview ng DYWC RMN, aniya’y posibleng makaaapekto ito sa turismo ng probinsya.

Dahil sa balitang may mga nangyari ng cancelation ng mga bookings sa mga turista.


Ikinatatakot din ni Abellana na mangyari din ito sa Negros Oriental.

Sa ngayon, mas marami pang turistang Koreano at Tsino sa probinsya dahil hindi ito takot sa terorista.
DZXL558, Anthony Maguinsay

Facebook Comments