PROVINCIAL VETERINARY OFFICE MAHIGPIT NA BINABANTAYAN ANG MGA BAYANG NAKUHANAN NG BLOOD SAMPLES KAUGNAY SA BIRD FLU OUTBREAK

Mahigpit ngayong binabantayan ng Provincial veterinary office ng Pangasinan ang mga bayan ng san Quintin, Bugallon , Lingayen at Alaminos City dahil ito ang mga lugar na nakuhanan ng ahensya ng blood samples ukol sa kumakalat na sakit sa mga manok na bird flu.
Ayon kay Provincial veterinary office Dr. Jovito Tabarejos , nagpanic umano ang kanilang tanggapan ng malamang positibo ang apat na bayan sa bird flu ngunit nang ipaulit sa Maynila upang isagawa ang Confirmatory Test ay nag negatibo ang mga ito.
Dagdag nito nananatiling bird flu free ang lalawigan ng pangasinan kahit pa my nakuhang samples ng dugo sa mga pugo at itik sa nabanggit na apat na bayan.

Samantala, mahigpit ding minomonitor ng ahensya ngayon ang bayan ng Binalonan at Asingan dahil kilala ito sa quail industry. | ifmnews
Facebook Comments