Wednesday, March 4, 2026

Provisional fare increase, last option lang kung magpatuloy ang pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado —LTFRB

Nanindigan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na last option lang ang provisional fare increase kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng krudo.

Naniniwala si LTFRB Chairman Vigor Mendoza III na sakaling bumaba ang presyo at humupa ang krisis sa Middle East, maaari ding magkaroon ng proportional reduction sa pamasahe.

Sa ngayon, prayoridad ng ahensya ang agarang implementasyon ng fuel subsidy.

Bilang karagdagang hakbang, ipatutupad din ang “Bantay Ruta” laban sa colorum operations.

Nananatiling bukas ang ahensya sa mga nais magpa-legalize ng kanilang prangkisa upang matugunan ang posibleng kakulangan sa pampublikong transportasyon.

Facebook Comments