Provisional fare increase na hirit ng ilang transport group, pinag-aaralan na ng LTFRB

Masusi nang pinag-aaralan Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hirit na provisional fare increase sa mga public utility jeepney ng ilang transport group.

Tiniyak naman ni LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III sa stakeholders na maingat nilang nire-review ang naturang request.

Paliwanag niya, nais nilang siguruhin na magiging patas at makatwiran ang hirit na dagdag-pasahe para sa mga mananakay at operator ng jeep.

Kahapon nang humiling ang grupong PASANG MASDA, ALTODAP at ACTO ng dagdag-pasahe dahil sa serye ng taas-presyo sa produktong petrolyo.

Ayon kay Pasang Masda President Obet Martin, umabot na sa ₱4.50 ang kabuuang itinaas ng presyo ng kada litro ng diesel.

Facebook Comments