PROVISIONAL LICENSE | Malacañang, iginiit na walang bisa ang lisensyang ibinigay ng PAGCOR sa galaxy entertainment na planong magtayo ng mega casino sa Boracay

Manila, Philippines – Iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na walang bisa ang lisensyang ibinigay ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa galaxy entertainment group para magtayo at mag-operate ng casino resort sa Boracay.

Ayon kay Roque, sa ibang lugar na lang itayo ang casino at huwag sa Boracay.

Aniya, tumatalima lamang si Pangulong Rodrigo Duterte sa desisyon ng Korte Suprema kung saan idinedeklara ang Boracay bilang state-owned agricultural and forestal land.


Paliwanag ng PAGCOR, kahit may provisional license na ay hindi ibig sabihin ay agad-agad na makakapag-operate ng casino ang galaxy.

Anila, simula pa lang ito ng mahabang proseso na kailangang sundin ng sinumang nais mag-operate ng casino bago sila mabigyan ng notice to commence operation at gaming license.

Facebook Comments