Provisional toll sa Skyway Stage 3, aprubado ng TRB

Inaprubahan na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang provisional toll rate para sa Skyway Stage-3.

Ayon kay TRB Spokesperson Julius Corpuz, napagkasunduan ng board ang P105 na provisional toll rate mula Buendia hanggang sa Sta. Mesa sa Maynila para sa class 1 vehicle.

Nasa ₱129 ang magiging provisional toll rate mula Sta. Mesa hanggang Balintawak habang ₱264 naman ang provisional toll rate mula Buendia hanggang Balintawak.


Nilinaw naman ni Corpuz na hindi pa pinal at sasalang pa sa final evaluation ang provisional toll rate kaya posible pa itong mabago.

Hindi pa rin aniya maaaring maningil ang Skyway dahil may iba pang proseso para sa aplikasyon at pag-iisyu ng authority to collect mula sa TRB.

Sa ngayong, gagawa pa ng resolusyon ang TRB para ipadala sa SMC na siyang contractor ng Skyway Stage-3 para abisuhan kaugnay sa naaprubahang provisional toll rate.

Facebook Comments