Lalo pang pinapalawig ng provincial government ng Pangasinan at ng Department of Information and Communications Technology o DICT ang kanilang ugnayan para sa mga proyekto at mga programa ng lalawigan na may kinalaman sa teknolohiya.
Kamakailan ay nagpresenta ang DICT ng ibat ibang proyekto at programa tungkol sa pagkakaroon ng technology access sa mga liblib na lugar sa lalawigan.
Hangda naman ang pamahalaang lalawigan na makipagtulungan at makipag-ugnayan para sa mga nais na kailangan ng departamento para maisakatuparan ang mga programang ito.
Para naman matulungan sa mabilis na internet connection na talagang kakailanganin ng DICT para sa pagkalap ng tama at kumpletong information sa panahon ng bagyo ay kanila ring hiniling ang pakikipag-ugnayan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO sa kanila, maging sa sektor ng edukasyon at humiling rin ang departamento ng pakikipag-ugnayan.
Ang mga proyekto at programa ng DICT sa probinsya ay naglalayon na matulungan at makarating sa mga naninirahan sa liblib na lugar na kailangang mabigyan ng oportunidad at pagkakataon pagdating sa modern technology. |ifmnews
Facebook Comments