Provl Health Officer ng Dinagat Province binaril at namatay

836

Provl Health Officer ng Dinagat Province binaril at namatay. Binaril at namatay ang Provl. Health Officer ng Dinagat Province. Kinilala ang biktima na si Dr. Vicente Soco Jr., ang mga suspek riding in tandem sa Brgy. GT, Dinagat Island. Ayon sa Chief of Police ng Dinagat Senior Inspector Francisco Florinosos, alas 7:00 kagabi kagagaling ni Dr. Soco sa isang Medical Mission sa San Jose at umuwi na sa tinutuluyang kuwarto sa Dinagat nang biglang may lumapit na lalaki at binaril ang doktor. Matapos isagawa ang krimen, tumakas kaagad ang suspek sakay ng motorsiklo na may naghihintay na kasamahan sa di kalayuan. Dinala pa sa Dinagat District Hospital si Dr. Soco at kalaunang inilipat sa Surigao City ngunit binawian na ng buhay. Hanggang sa mga oras na ito nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP sa pangyayari.

Facebook Comments