Proyekto mula sa ARMM Bridge bumuhos sa Buldon

Pinangunahan ni ARMM Governor Mujiv Hataman kasama si Buldon Mayor Abolais Manalao ang Ground Breaking Ceremony sa itatayong 150 Core Shelter Unit sa Barangay Minabay.

Ang proyekto ay sa ilalim ng Program ng ARMM BRIDGE o ang Bangsamoro Regional Inclusive Development for Growth and Empowerment Project na naglalayung matulungan ang mga maralitang residente ng rehiyon.

Bukod sa pabahay , kabilang rin sa proyekto ng ARMM Bridge at pagbibigay ng patubig at kuryente .


Kaugnay nito lubos na nagpapasalamat ang LGU Buldon at napabilang ang kanilang bayan sa naging beneficiary ng ARMM BRIDGE. Napakalaking tulong aniya ito sa kanyang mga kababayan giit pa ni Mayor Manalao.

Facebook Comments