Proyekto ng Militar sa Jones, Isabela, Nai-iturn over na!

*Jones, Isabela- *Matagumpay na nai-turn over kahapon ng 86th Infantry Battalion ang kanilang proyekto sa bayan ng Jones, Isabela kasama ang alkalde na si Leticia Sebastian, LGU at mga barangay officials.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Lt. Col Remegio Dulatre, Commanding Officer ng 86th Infantry Battalion, nasa walong barangay ang kanilang nadeployan ng Community Support Program kung saan dito isasagawa ang kanilang mga proyekto.

Ayon kay Lt. Col Dulatre, magkaka-iba anya ang mga hiniling ng bawat barangay sa AFP gaya ng water reservoir, drying pavement, Concreting, gravelling at pagpapatayo ng health centers na tutugunan naman ng militar sa tulong narin ng LGU at Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.


Ito ay resulta ng kanilang isinasagawang Community Support Program sa ilang piling barangay sa Lalawigan ng Isabela.

Dagdag pa ni Dulatre na patuloy pa rin ang kanilang isinasagawang Community Support Program sa mga lugar at nilinaw rin nito na hindi gulo ang maidudulot ng kanilang isinasagawang programa kundi magandang tulong at proyekto para sa mga mamamayan.

Facebook Comments