Proyekto sa flood control, dapat gawing pang malawakan – PBBM

PBBM, binisita ang Barangay Malanday Evacuation Center sa Valenzuela City (July 25, 2024)

Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dapat magkaroon ng komprehensibong paghahanda para sa mga susunod pang malawakang pagbaha kasunod ng pananalasa ng Bagyong Carina at habagat nitong mga nakalipas na araw.

Ayon sa pangulo, asahan na rin na hindi pa ito ang huling mararanasang paghagupit ng bagyo lalo na ngayong papasok na tayo sa panahon ng La Niña.

Inihalimbawa pa rito ng Pangulong Marcos Jr. ang mga lugar na dating hindi naman binabaha pero ngayon ay nalubog sa tubig dahil sa walang tigil na pag-ulan.


Sinabi pa ng pangulo na dapat alamin na agad at gumawa ng paraan upang maiwasan na ang ganitong kalamidad bago pa man tumama ang mga susunod na bagyo.

Hindi rin aniya dapat pang ilang bayan lamang ang flood control kundi dapat pang ilang rehiyon ang sakop lalo’t walang kinikilalang boundary ang tubig baha.

Facebook Comments