Proyekto sa NTF-ELCAC, ipinapadetalye ng Senado sa DILG para hindi ito matawag na ‘pork barrel’

Inirekomenda ng Senado sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na i-detalye ang mga proyekto sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ito ay para maiwasan na matawag na “pork barrel” ang mga item dahil sa hindi naka-itemized o hindi tukoy ang mga proyekto.

Sa pagdinig ng Senate Finance Committee sa 2023 budget ng DILG, dito ay binusisi ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang kumpletong detalye ng Barangay Development Program (BDP) ng NTF-ELCAC.


Sinita ng senador ang DILG dahil hindi masabi ng ahensya kung ano ang mga proyekto sa anim na request ng isang barangay at kung magkano ito.

Pero nanindigan naman si DILG Usec. Mario Iringan na ang mga listahan ng mga proyekto sa mga barangay sa ilalim ng NTF-ELCAC ay nakapaloob na sa 2023 National Expenditure Program (NEP).

Giit naman ni Angara na walang naka-attached sa budget proposal ng DILG kaya pinagsusumite ang ahensya sa Senado ng detalyadong listahan ng BDP projects.

Facebook Comments