PROYEKTONG ADOPT A WALL PROJECT AT ADOPT A STUDENT SCHOLARSHIP SA MANGALDAN, PATULOY NA ISINUSULONG

Patuloy na hinihimok ng alkalde ng Mangaldan sa pamamagitan ng Municipal Cooperatives Office ang mga kababayan nila na suportahan ang kanilang pangangalap ng pondo para sa proyektong ‘adopt-a-wall’ na proyekto naman ng Alumni Association pati na rin ang pinag-iisipang simulan na ‘adopt-a-student scholarship program.
Sinabi ng alkalde ng bayan sa kanyang mensahe na ang hakbang na ito ay malaki ang maitutulong sa kapakanan at motibasyon ng mga mag-aaral na nag-coconcentrate sa kanilang academics.
Hinikayat nila ang mga alumni sa Mangaldan National High School sa isinagawang pulong ng Parent-Teacher Association (PTA) na suportahan ang hangarin ng lokal na pamahalaan para sa ikauunlad ng kanilang bayan lalo na ang kapakanan ng mga kabataan na nag-aaral pa at nais makagraduate.

Nagpaabot naman ng pagpapahalaga ang school head ng paaralan sa pagbibigay prayoridad ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan sa sektor ng edukasyon pati na rin ang patuloy na pagsuporta sa lahat ng maaaring ika-unlad kanilang bayan. |ifmnews
Facebook Comments