CAUAYAN CITY- Matapos ang konstruksyon ng solar-powered pump irrigation sa Quirino, Isabela ay nakatakdang isunod naman ang proyektong farm to market road sa nasabing bayan.
Ayon kay Regional Executive Director Rose Mary Aquino, ang proyekto ay popondohan ng Philippine Rural Development Project (PRDP).
Aniya, layunin ng proyekto na mapabilis ang pagbyahe ng mga produkto ng mga magsasaka patungong bayan.
Samantala, ang proyektong solar-powered pump irrigation ay nagbigay oportunidad sa turismo ng nasabing bayan dahil sa mahigit 1,000 solar panels nito.
Facebook Comments