Proyektong Horizon 2 Air Surveillance Radar System ng Philippine Air Force, tuloy na!

Tuloy na ang proyektong Horizon 2 Air Surveillance Radar System (ASRS) ng Philippine Air Force (PAF) kasunod ng paglagda ng kasunduan ni Department of National Defense (DND) Sec. Delfin Lorenzana sa Japan.

Ayon sa ulat, nagkakahalaga ng 5.5 bilyong piso ang naaprubahang budget para sa kontrata, at ipagkakaloob sa Mitsubishi Electric Corporation (MELCO) sa contract price na nagkakahalaga ng higit 103 milyong dolyar o katumbas ng higit 4 na bilyong piso.

Ang kasunduang ito ang unang pagkakataon na nagpalabas ng Japanese-Made Defense Equipment ang Japan sa ilalim ng mga polisiya, para magamit na depensa ng Pilipinas at magdulot ng kapayapaan sa lahat.


Ito rin ang kauna-unahang defense equipment at technology cooperation sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ng Japan para sa paglilipat ng kagamitang pandepensa magmula pa noong 2016.

Naglalaman ang ASRS package ng long-range air surveillance radars na may building facilities bawat isa, at isang mobile air surveillance radar na nakatakdang ipadala sa Pilipinas sa 2022.

Facebook Comments