Karagdagang labindalawang housing units ang iginawad sa labindalawang pamilya rin mula sa Lucap Sto. Rosario, Alaminos City.
Ang mga housing units na ito ay mula sa proyekto ng alkalde ng lungsod kung saan ang mga napiling makatatanggap ng mga naturang pabahay ay mula sa ilalim ng Core Shelter Assistance Program (CSAP) sa Sitio Sto. Rosario, Barangay Lucap.
Kaagad na naigawad ng pamahalaang lungsod ng Alaminos katuwang ang Sangguniang Panlungsod sa labindalawang pamilya ang mga bagong bahay para sa kanilang bagong buhay.
Ang CSAP ay isa lamang sa mga makabuluhan proyekto ng alkalde ng lungsod at ng pamahalaang lungsod nang sa gayon ay mabigyan ng matiwasay na pamumuhay ang kanilang mamamayan at para ituloy ang progreso sa kanilang lungsod katuwang ang City Social Welfare and Development Office. |ifmnews
Facebook Comments