PROYEKTONG ITINATAYO SA LINGAYEN, NAIS IPATIGIL NG MGA RESIDENTE

Nanindigan ang mga residente ng bayan ng Lingayen partikular ang mga maaapektuhan ng ginagawang tila Seawall sa bayan.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay dating Col. Sonny Versoza, hindi umano kasi idinaan sa public consultation ang nasabing proyekto bagay na kanilang ipinagtataka.
Ipagpatuloy aniya nila ang protesta kaugnay dito at wala silang gustong gawin kundi ang matigil na ang proyektong ito.

Nagtataka din umano sila dahil sinasabing napag aralan na ang nasabing proyekto pero hindi pa naman ganoon katagal ang nakakalipas.
Samantala kahit sino aniya ang kumausap sa kanila ay wala silang ibang sasabihin kundi ipatigil ito. |ifmnews
Facebook Comments