PROYEKTONG LABAN BAHA SA DAGUPAN CITY, INIHAHANDA NA

Inihahanda na ang proyektong sosolusyon laban sa matagal ng problema ng mga Dagupeño, ang problemang baha.
Alinsunod dito, puspusan na ang isinasagawang paghahanda ng lokal na pamahalaan ng Dagupan katuwang ang ilang mga ahensya tulad ng DPWH at City Engineering Office sa pagpaplano at pagsasagawa ng nasabing proyekto.
Kasama rin ang mga business owners na nasasakupan ang kanilang pinagtayuang negosyo sa kahabaan ng Arellano, Pantal at Tambac sa pulong na naganap.

Matatandaan na ang proyekto ay pagpapaganda at pagpapalaki ng mga kakalsadahan at mga drainage system na siyang tutulong upang maibsan ang pagbaha lalo na at nararanasan na ang high tide.
Nagpapatuloy ang adhikaing ito ng LGU Dagupan at ang pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya upang maisakatuparan na ang proyekto. |ifmnews
Facebook Comments